
And I am soooooo overwhelmed and kilig this upcoming Valentines week, that I wanted to share it to everyone who always (or maybe most of the time) care to read my blog, though it is a bit trashy. I choose to write a blog, despite of the paperworks that I brought home, and the impending doom of dysmenorrhea that I suffer right now. But no! Kinikilig pa din ako!

Maybe some of you might think that I have a special someone, or ka-valentines, kaya sobra-sobra na lang yung kilig ko sa paraan ng pagkakasulat ko. But you are thinking it wrong! And I believe that Valentines Day are not only for lovers/couples. Valentines day are for everyone! For every. single. earthling. Bakit? Sila na lang ba lagi ang may karapatan sa Valentines Day? Sila na nga may anniversary, monthsary, weeksary, daysary, tapos Valentines day na nga lang ang i-cecelebrate sa kalendaryo, kanila pa din? Hustisya para sa mga single dito oh! (hahahahah. bitter pala! charot

Going back, the week had gone so far for me. The much anticipated day would be tomorrow, and I am stoked! I got to celebrate this again in an exceptionable way, as I mentioned in my previous blog. But this week has been so exceptional also from the AlDub episodes. (Disclaimer: yes, I promised the AlDub post that I am preparing and still on the drafts. Apologizing here for that.)
As a part of the Kalyeserye, Lola Nidora asked Alden to make a poem for Yaya Dub. A poem that contain his true feelings for her. He recited the poem to her at their 30th weeksary celebration last thursday, and it goes like this:
Totoo pala ang sinasabi nila
Na ang mga magagandang bagay
Ay darating sa tamang tao, sa tamang pagkakataon
Walang labis, walang kulang, at makakamtan sa tamang panahon
Na ang mga magagandang bagay
Ay darating sa tamang tao, sa tamang pagkakataon
Walang labis, walang kulang, at makakamtan sa tamang panahon
Tama sila, tinamaan na yata ako
'Di ko akalain na sa unang pagpansin
Na sa una mong pagtingin, ako ay mahuhumaling
Kilig, kilig nga lang ba?
Pero bakit iba ang nadarama
Ng dibdib kong may pagtataka?
Naiiba ka at maaring hindi lahat ay nasa 'yo
Pero sinisiguro ko na sa 'yo lang ang pusong ito
Paulit-ulit nila kong tinatanong
'Siya ba talaga? Totohanan na ba?'
At sa mga hindi ko pagsagot
Marami silang paghihinala at panghuhusga
Pero baliwala lamang sa 'kin ang mga 'yun
'Pagkat sa akin ay ikaw lang ang mahalaga
Noon, takot ako
Takot ako sa maraming bagay
Sa mga inakala kong limitasyon ng aking buhay
Pero nang ika'y nakilala
nawala ang aking pangamba
Bagkus, napalitan ng ligaya
Saksi ang Diyos sa marami kong pagsubok
Saksi siya sa marami kong pinagdaanan
Pero marunong siyang magbigay ng palantandaan
Na malapit ako sa dapat kong paroonan
Pinasamahan niya ko ng isang anghel
Isang anghel na hahawak sa aking mga kamay
At mananatili panghabangbuhay
Kaya't salamat sa lahat
Hindi na kailangang isa-isahin pa
Tutal nag-iisa ka lang sa buhay ko
Sana pangmatagalan na ang ligaya nating ito
At sagutin mo na ko ng matamis mong oo
And just today, when they had gone for a Valentines Date and Roadtrip at Tagaytay, she surprised him with also a poem. It was like an answer to the poem he just made for her, and that goes like this:
Sino ka nga ba?
At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili.
Madalas nga ay hindi ako mapakali
Sa daming bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit ang aking dibdib
Sa daming bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit ang aking dibdib
Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat.
Kaya dapat daw ako maging maingat
Pero sino ba sila para mag dikta kung sino ang nararapat
Inaamin kong ako’y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinakatakutan ko
Pero ano nga bang magagawa ko?
Tila ang loob ko'y unti unting nahuhulog sa'yo
Tinatanong ko ang aking sarili, kung ikaw ba’y aking gusto
Ngunit ang isip ko’y nagsimulang magtalo
Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko
Pero nararamdaman ko ang sigaw ng puso ko ay OO
May mga oras na isip ko’y gulong-gulo
Sapagkat hindi ko na malaman kung alin ba ang totoo.
Hindi ko kailanman plinano na magkagusto sa'yo
Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko
Hindi ko kailanman plinano na magkagusto sa'yo
Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko
Alam mo ba na mahirap kang basahin
Kaya tila bang kay hirap mong mahalin
Sa takot na hindi mo ako kayang saluhin
Sa takot na hindi mo ako kayang saluhin
Ayos lang basta kailanman ay wag mo kong lolokohin
Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso mo
Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso mo
At magbabakasakali kung pangalan ko ba ang sinsigaw neto
Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo
Pero ako’y natatakot na malaman ang totoo
Tila sa puso ko’y ikaw lang ang tanging makikita
Dapat na bang aminin aking sinta
Tama bang sabihin sa iyo?
Tama bang sabihin sa iyo?
Tamang panahon nalang ang hinihintay ng puso ko
Awwwwww *these silent tears*
I just realized that if you are very inspired, you can do anything, even the things you don't usual do. The things that you'll only do for someone special. Those things that was done out of the blue, or even once in a blue moon. Siguro nga kapag inlove ka, nagagawa mo yang mga bagay na yan. Kahit ako, siguro makakagawa din ako ng ganyan (tula/poem) 'pag may taong makakapagpa-inspire na sa akin na gumawa ng ganyan. But still, that time hasn't gone for me, yet. Sabi nga, (at gasgas man) may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Pero 'di nga, the reel becomes real for AlDub as these series of events happened. Kahit single ka, may mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo. Minsan, sapat na ang mga bagay na yun, kahit wala kang ka-couple or ka-lover. Basta ang alam mo, masaya ka.

And that would be a part of my Valentines 2016. More to come tomorrow. I guess this is a week of love poems for me. How about you guys? Your thoughts about the Aldub poems, and of this upcoming Valentines?
credits to GMA network, Alden and Maine for the poems