I remember that happiest moment that has ever happened to me
at this exact day last year: ang declaration na isa na akong ganap na NURSE;
ang paglabas ng result at pagkakapasa ko sa Nursing Licensure Exam. Haaayy
grabe. Yung mga feeling na you were so clueless days before. Yung mga feelings
na halos sabihin mo na kay God na wag muna nyang ilabas kasi hindi ka pa ready.
Yung mga panahon na wala kang pinagkakapuyatan kundi ang mag blogpost ng mag
blogpost, even the night before the result, nagawa mo yun. Anxiety strikes
much. But super happy, na abot langit ang ngiting katumbas nug malaman kong I
passed J.
Sa loob ng isang taon, kahit papaano, nagagamit ko pa din sa
magandang practice ang napaghirapan ko (at ng mga magulang ko.). ang pumasok sa
Nursing world ng apat na taon, isama mo na ang review, ay napaka-stressful. Pero
worth it naman. Kasi yung naging trabaho ko ay somehow related pa din sa field
ko.
Sa dinami-dami ng experience na naranasan ko, sa dinami-rami
din ang na earn ko na ganito: Pagod, puyat, stress, toxic. Lahat yata yan
napagdaanan ko na. dami ko na ding natutunan, from first aid techniques, injections, meds, labor and delivery, etc. Madami
na din akong fears na na-overcome. Nakaya ko nang maging independent sa mga
bagay na dati, eh, gusto kong may nagsusupervise sa akin. But at the end, yung
simple ‘thank you’s ng patients, saka yung malamang in good health sila ang
makakapagbigay sa iyo ng kaginhawaan, na after all that hardships, nakatulong
ka pa din sa ibang tao.
Minsan, sa hindi mo inaasahang mga panahon, may mga times na
name-misunderstood ka pa din. Yung mga tipong hindi mo lang sila natulungan ng
husto, or humingi sila ng tulong pero hindi mo nagawa kasi hindi na sakop ng
trabaho mo, eh masama na ang loob sa iyo. Yung naka-uniform ka na, mukha ka pa
ding unprofessional sa paningin nila. Yung mga ganung chever? Pero okay lang,
kasi mas madami pa din yung makakaalala sa mukha mo at sasabihing “siya yung
nag-asikaso/tumulong sa akin nung…”
Alam mo yung tawag na “passion”? parang kahit na hindi ganun
kataas ang compensation ng nurses sa pilipinas, eh, hindi mo pa din kayang
iwanan yung trabaho mo for another job unrelated to your course/career. Oo, ang
pagiging nurse na siguro ang pinakamahirap na trabaho sa mundo, kasi hawak ng
isang nurse ang buhay ng isang tao. Pag hindi ka marunong, pwedeng ikamatay ito
ng pasyente nya. Hawaak nya ang buhay mula pagkasilang, sa pinaka-critical na
condition, recovery from sickness, maintaining good health, even until death. Kung
walang nurses, wala na sigurong taong gagaling sa sakit.
Pero syempre, hindi nagtatapos ang adventure ng pagiging
nurse ko sa lahat ng naranasan ko ng isang taon. di ba nga, the higher the
years of XP, the competent you are. Kaya, after one year, gusto ko din ng new
environment, ng new field, and another specialty. Tuluy-tuloy lang ang pangarap
hanggang sa makamit.
THANK YOU kay GOD, for a year of fruitful experiences in
this career, for the strength to do this job, for every guidance He gave me,
and for all the blessings He showered. To those people who were always there to
support me with this career, na kahit nasa baba pa lang ako, na kahit
nagsisimula pa lang ako ditto, nandyan lang lagi sila para maging proud sa kung
ano ako at sa kung anon a ang narating ko. To my MPLICHC family/buddies, na
stepping stone ng career na ito (and until now na andun pa din ako), thank you
sa pagtanggap, and sa lahat ng naitulong at naituro nila sa akin. Sobrang bawing-bawi
ako sa experience with them. At sa lahat ng nabahagian ko ng tulong, especially
yung mga bumawi at nagbalik, thank you J
Happy in a year of being a Nurse, and still counting. o:))