Saturday, November 10, 2012

no wards can describe how glad i am to have a new job even though it would only last for less than three months. ER nurse at RPHS Angono Annex.

yes at last. new job, a chance to wear that white uniform, experience, and earn a true salary, kahit minimum range lang. super scared ako sa area ko at first. it's emergency room and worst case scenarios may happen anytime. but i am getting used to it. you just have to focus and be efficient.

within almost one month on the area, i experienced and learned a LOT of things. plus, i got to know new friends, and it seems like i'm building a new lifestyle. a lifestyle that would make me skinny even more. haha.


with this new chance and blessing, i know God is still there to guide me in everything and whatever i will do for my patients.

Wednesday, September 26, 2012

Tokyo Cat Cafe

one night, when i watched Katy Perry: Part Of Me, i saw this cute destination while she's in her world tour: the Tokyo Cat Cafe.

Katy Perry in Tokyo Cat Cafe :)

this is a place somewhere in Tokyo, Japan where you can have a sip of tea or coffee and hang out with your friends, together with this cute cute cats in different breeds (and sizes). :D


they usually provide cat profiles, from oldest to youngest. :)


although some rules are strictly to be followed on the cafe, customers are allowed to play/pet with the cats. they can also take pictures without using camera flash. sleeping cats are not allowed to be disturbed. there are also foods provided for them that you can offer.




This would be one of the best place to hang out for cat lovers like ME!
waaaaaaaaa i wanna go here. sana merong ganitong place here in the Philippines O_O kuna wala man, sana may mag-adopt. if nagawa nila yun with Starbucks and Seattle's Best, or even with Japan Stores, sana Cat Cafe na ang next.



Wednesday, September 5, 2012


Eto na. sinisimulan na ni Lord pasibulin yung mga pinagpe-pray ko sa Kanya. Kahit sabay sabay na opportunities, basta makahanap na ako ng new work with enough satisfying compensation. Hospital work is much better.  Atleast ito na din yung right time to stop my frustrations, to please those people who pushes me to do better, and to be able to move on from such things, from such people.

Sabi  ko kay God, kahit i-sacrifice ko yung mismong happiness ko magkatrabaho lang ako ng bago, at kung yun lang ang tanging solusyon sa mga problema kong ito,okay lang. pero yung simpleng alam ko na ngayon na may movement na ako, medyo nagiging okay lalo. Sana lang may magbunga na po dito sa mga pinagggagagawa ko. Kahit hindi talaga ito yung the best na kaya kong gawin, sana po talaga.

The good thing is nakakasmile na ako ng may dahilan, hindi lang yung basta bastang nakakatawa kasi yung ganito, or ngiti kasi yung ganyan, or fake smile deep inside not totally okay. Pero dahil alam kong meron na akong nakikitang true reason. yung much better na reason. Hindi na yung nag-e-emo pa sa mga posts/gm. madami nang taong naririndihan and i know that. mimsan nga di ko na lang pinipili magpost/mag-gm kc baka sabihin 'anu ba naman ito si mai'. Good thing right? Sana tuluy-tuloy na ito. Lalu na pag naging successful ako sa mga prayers kong ito.

So ayun, goodluck ng much Mai, and let’s push things, and let’s do that P.U.S.H. mode.

I know He's been always there to help me. :)

Monday, August 20, 2012

Happy birthday to my NURSING CAREER! :)



I remember that happiest moment that has ever happened to me at this exact day last year: ang declaration na isa na akong ganap na NURSE; ang paglabas ng result at pagkakapasa ko sa Nursing Licensure Exam. Haaayy grabe. Yung mga feeling na you were so clueless days before. Yung mga feelings na halos sabihin mo na kay God na wag muna nyang ilabas kasi hindi ka pa ready. Yung mga panahon na wala kang pinagkakapuyatan kundi ang mag blogpost ng mag blogpost, even the night before the result, nagawa mo yun. Anxiety strikes much. But super happy, na abot langit ang ngiting katumbas nug malaman kong I passed J.

Sa loob ng isang taon, kahit papaano, nagagamit ko pa din sa magandang practice ang napaghirapan ko (at ng mga magulang ko.). ang pumasok sa Nursing world ng apat na taon, isama mo na ang review, ay napaka-stressful. Pero worth it naman. Kasi yung naging trabaho ko ay somehow related pa din sa field ko.
Sa dinami-dami ng experience na naranasan ko, sa dinami-rami din ang na earn ko na ganito: Pagod, puyat, stress, toxic. Lahat yata yan napagdaanan ko na. dami ko na ding natutunan, from first aid techniques,  injections, meds, labor and delivery, etc. Madami na din akong fears na na-overcome. Nakaya ko nang maging independent sa mga bagay na dati, eh, gusto kong may nagsusupervise sa akin. But at the end, yung simple ‘thank you’s ng patients, saka yung malamang in good health sila ang makakapagbigay sa iyo ng kaginhawaan, na after all that hardships, nakatulong ka pa din sa ibang tao.

Minsan, sa hindi mo inaasahang mga panahon, may mga times na name-misunderstood ka pa din. Yung mga tipong hindi mo lang sila natulungan ng husto, or humingi sila ng tulong pero hindi mo nagawa kasi hindi na sakop ng trabaho mo, eh masama na ang loob sa iyo. Yung naka-uniform ka na, mukha ka pa ding unprofessional sa paningin nila. Yung mga ganung chever? Pero okay lang, kasi mas madami pa din yung makakaalala sa mukha mo at sasabihing “siya yung nag-asikaso/tumulong  sa akin nung…”

Alam mo yung tawag na “passion”? parang kahit na hindi ganun kataas ang compensation ng nurses sa pilipinas, eh, hindi mo pa din kayang iwanan yung trabaho mo for another job unrelated to your course/career. Oo, ang pagiging nurse na siguro ang pinakamahirap na trabaho sa mundo, kasi hawak ng isang nurse ang buhay ng isang tao. Pag hindi ka marunong, pwedeng ikamatay ito ng pasyente nya. Hawaak nya ang buhay mula pagkasilang, sa pinaka-critical na condition, recovery from sickness, maintaining good health, even until death. Kung walang nurses, wala na sigurong taong gagaling sa sakit.

Pero syempre, hindi nagtatapos ang adventure ng pagiging nurse ko sa lahat ng naranasan ko ng isang taon. di ba nga, the higher the years of XP, the competent you are. Kaya, after one year, gusto ko din ng new environment, ng new field, and another specialty. Tuluy-tuloy lang ang pangarap hanggang sa makamit.

THANK YOU kay GOD, for a year of fruitful experiences in this career, for the strength to do this job, for every guidance He gave me, and for all the blessings He showered. To those people who were always there to support me with this career, na kahit nasa baba pa lang ako, na kahit nagsisimula pa lang ako ditto, nandyan lang lagi sila para maging proud sa kung ano ako at sa kung anon a ang narating ko. To my MPLICHC family/buddies, na stepping stone ng career na ito (and until now na andun pa din ako), thank you sa pagtanggap, and sa lahat ng naitulong at naituro nila sa akin. Sobrang bawing-bawi ako sa experience with them. At sa lahat ng nabahagian ko ng tulong, especially yung mga bumawi at nagbalik, thank you J

"Nursing care comes in many forms. Sometimes, it is the ability to make someone feel physically comfortable by various means. Other times it is the ability to improve the body’s ability to achieve or maintain health. But often it is an uncanny yet well honed knack to see beyond the obvious and address, in some way, the deeper needs of the human soul."
~Donna Wilk Cardillo, A Daybook for Beginning Nurses



Happy in a year of being a Nurse, and still counting. o:))

Wednesday, August 8, 2012

"Rain"

oh how I so love rainy days especially when you were in the comfort of our own home, cuddling yourself under a warm blanket, even on a senti mode, listening to soft music, or even sleeping all day.

but what if sobra na yung ulan? yung mga tipong ayaw nang tumigil pa? then all you can see is news flashed on television, floods everywhere, people going here to there evacuating themselves, people in danger, people soaked under the rain, crying children being rescued? can you take to see these all while you were just there sitting prettily on the comfort of your couch?

grabe nakakatakot lang.

Pinaka hindi ko talaga makakalimutan yung napanood ko sa channel 2. yung batang nirescue sa fairview na para lang maitawid sa kabilang side eh nag-ala-Rapelling ang eksena nila nung rescuer. eh alam mo yung feeling ng tumitili ka habang nakikita mong muntik silang mahulog sa rumaragasang tubig baha! thank God malapit na sila sa dulo, as in isang inat na lang.

sa buong araw na kahit nasa duty ka, at ang karamay niyo sa information ay television, ang hirap ng feeling na nakikita lahat ng hindi magandang dulot ng masamang panahon. hayy. hindi pa bagyo ito, what if kung bagyo pa? anu na lang tayo? wash out na? hayyz.ang hirap makita ng situation. yeah super affected ako kahit hindi ako/kami inabot ng pagkakasalanta sa habagat na ito. nakakasalanta naman ng damdamin ang makakita ng mga ganung scenarios.


God, I pray na sana po matapos na talaga ito. para makabangon na po ulit kaming lahat sa damage. para po wala nang mapahamak pang lalo. para po maging normal na ulit ang pamumuhay ng karamihan. para po wala nang lalo pang maperwisyo. hindi na po ito para sa amin, kundi para sa mas nangangailangan, para sa mas affected. para po magkaroon na ulit ng kaginhawaan. if You were ever teaching us/them a lesson, siguro naman po they have learned a lot naman na. tulungan nyo pong maging okay na ang lahat. Amen.

Rain is good, and relaxing. But too much rain causes too much damage and stressful.

Sunday, July 29, 2012

“Naniniwala ako sa Love, naniniwala ako someday may happy ending na lahat ng love story ng bawat tao sa buong mundo. Na wala ng iiyak, walang malulungkot, walang mag-iisa at wala ng masasaktan.

Pero sabi nga nila walang perpektong love story. Na mahal mo na, kaso may iba na, na handa kanang sagutin siya pero pagod na sa kakahintay. Yung sa sobrang andami mo nang iniintindi sa buhay nakalimutan mo ng may taong naghihintay sayo yung laging nag mamahal, laging umaasa na mapansin mo. Yung hinihling niya sana makasama ka habang buhay.”
– Jewel Greenland; My Super Fan Girl


Upon hearing this phrases from Jewel, grabe, parang nadudrog yung puso ko. Parang ako, nasa isang un-perfect love story. OR let’s just say wala pang love story? haha. Sounds desperate, right? Pero bakit may "heartbroken" na agad sa title ng blogpost ko kung wala pang love story?

Ever heard of what I called “one-sided love” oh, if you know, lagi akong nariyan sa state na yan. Sa lahat ng love, siguro masasabi kong yan na yung pinaka-bittersweet. So sweet in a sense of nararamdaman mong you still belong to a society wherein all the people around you are in love. Yung feeling na dahil in love ako, hindi ako out-of-place. Now, let us stress that ‘bitter’ out of that ‘bittersweet’ word: oo nga’t mahal mo, eh, siya ba mahal ka? (enlarging the ‘?’ to size 72)

Ramdam mo yung saya kapag kasama siya, kahit hindi kayong dalawa lang, yung basta andun lang siya. Yung magpapakipot ka pa ng slight kapag inaasar na kayo sa isa’t isa. Tapos, hindi kayo titigila kahit hindi kayo magkasama. Yung umaabot pa sa facebook ang lahat. Yung may auto-liker ka ng bawat status/post, at magko-comment-an pa kayo. Kahit hindi chat. Tapos, pag mapapadalas na, mapapansin mong nagiging sweet na siya sa’yo. Yung mga simple gestures na ginagawa niya, kahit may kasamang udyok ng mga kaibigan. Yung mga simpleng kwentuhan na kahit hindi mahaba, may mapag-usapan lang. Yung sobra sobrang pag-uudyok ng mga kaibigan na gawin ang isang bagay para dun sa isa. At pag andun ka sa moment na aalalahanin mo lahat ng nangyari, mapapangiti ka na lang.

Ooooops, tandaan: ipinagbabawal ang mag-ASSUME na may something between you, at mag-EXPECT na there would still be something that would happen between the two of you. Tanong: mapipigilan mo kaya?

May mga panahong ipu-push ka na ng mga kaibigan mo to him, ikaw naman gugustuhin din. Yung mga panahong magtatanong na sila kung nanliligaw na ba siya sa’yo (kakabahan na lang ako ng slight) pero hindi din siya sigurado sa sagot. Nahirapan akong mag-open up kahit gusto ko. Ayoko kasing maging isang babaeng nagbibigay motibo. Plus, I would never be so sure of what I am feeling if wasn’t even sure about his. Alam naman nating mahirap umasa, kaya wag paasahin ang sarili.

Yung tipong sisimulan nyo nang lumabas na kayong dalawa lang. mas gugustuhin mo pang isiping it will be just be called a simple bonding with a guy friend rather than calling it a date. Yung feeling na nakilala mo siya through his wants, his likes, what he does, almost every him. Yung sinabayan ko siya sa kung anong ginagawa niya pero hindi mo naman nagawa yung part mo. In just being a good listener to him, ayun, you didn’t have the guts to know what you really want to know. Feeling ko nga isang epic fail ang araw na yun. Oo nga nag-enjoy kami, but at the same time, it was still disappointing maybe even on his part. Kasi, yung feeling mo hindi siya nag-enjoy kasi hindi mo nakita na nag-enjoy siya? And because of that, feeling mo wala nang susunod pa (kasi feeling ko ang booring ko kasama sa ganyang lakaran. *sighs*)

Mas dinamdam ko pa yata ang pagiging epic fail companion ko, kesa sa nakakakilg sanang feeling kasi magkasama kayo. Yung alam mong may progress, pero pointless pa din? Naiintindihan kong una, kung may mangyayari man, hindi ko dapat madaliin ang mga bagay-bagay. Pangalawa, alam kong may mga lalaking hindi ganun ka-open with the things when it comes to that matter, unless he really likes the girl. Pangatlo, I don’t have the guts to initiate that matter. Hindi ko din kasi alam kung baka ma-offend siya or something…ugh! I really don’t know! Pero kung siya naman mag-iinitiate, I’ll share mine naman eh.

Yung na-stress ka na lang kakaisip pessimistically. It just all came to a point na ipinag-pray ko kay God yun. I was sorry for myself that all I had to do is to think of that matter that I had lost my focus to the things more importantly than that. I asked Him this: "Will you ever get angry at me if I broke my promise to You? ‘coz i like the feeling, though I’m not so sure and I would never will if he isn't rather. I want to shout na ayoko na, na ayoko nang mag-isip. If it (he) will be given to me, thank you so much. But if it is a no, sana po tulungan nyo akong matanggap yun sa sarili ko."

Sa sobrang lakas ko yata kay God dininig niya agad ang mga panalangin ko. Thanks to Him for ending my two weeks stressful thinking, with tears on my eyes. Seeing a status post on facebook that he was confessing his love to his girl really broke my heart. . Yung feeling na may tumatarak sa puso mo kasi nasaktan ka? That feeling na magbu-burst out yung tears mo pero pinipigilan mo. Salamat sa pagtila ng ulan nung gabing yun, ang tanging nagawa ko ay lumabas ng bahay para magpaload and to just call a friend saying the first word that came into my mouth: “paiyak”

Sa loob ng tatlaong araw ramdam ko yung sakit na dulot ng isang simpleng wall post, na kahit wala ako sa lugar eh naramdaman ko yun. Sa loob ng tatlong araw, kapag maalala ko yung bawat salita dun, isang luha ang katumbas. Ang babaw ng luha ko sa loob ng tatlong araw. Kaya nakakatawang isipin na nakabisado ko sya. haha. I was unsure of what I’ve felt toward him until I saw the post. yeah, I loved.

Andun ulit tayo sa moment of moving on. Andun din tayo sa moment where everyone was asking me why. Bakit hindi ako, bakit pa sya nagpakita ng ganun, what will I do… something like that. Sabi ko naman, siguro ako lang yung may pakiramdam na ganun, na through his gestures, baka interpretation ko lang alone yun, na he just have the sweet nature and we misinterpret it as pinopormahan or motive-giving something. It seems that (if I’m not mistaken) there's this girl whom he like, until I came, and the feelings were as same as with her, then he got confused. But in the end, it was still her and not me. Plus, hindi naman sya nagpost ng ganun para makapanakit ng feelings ng ibang tao, but rather to express and confess his love to someone. That is the privilege of having your own tab of “What’s on your mind?” on Facebook, right?

I prayed to God so hard. I told Him that I know that he always knew what I’ve felt. I asked for the strength to handle the situation and to let these hurt and frustrated feelings finally end.










If someone would still ask me if how am I today? I’m okay and we’re okay. No hard feelings. Hindi na kasi ako naniniwala na kelanagn mong maging bitter sa isang tao para maka-move on. Besides, he haven’t done anything that given me the reason to be bitter. Enough with those melodramas. . Oo hindi nga ganun kadali ang mag-move on from what happened. But I feel so silly na ngumawa ako ng ganun, na hindi ko nagawa when I had the same feeling with other guys. (What have I done I’m sooo SILLY! Hahaha gaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad!)

Hindi ko alam if darating pa yung panahon for us with this guy. But for now, mas magiging kuntento ako for having a guy friend na kahit basag na basag ako sa tuwing pang-aalaska sa akin kapag magkasama kami. Atleast, wala akong stress to think what’s in store kasi I finally knew the situation Pero that kilig feeling I had with him is just enough to prove that I had experienced happiness. Feelings changed, but memories don’t.

Tiis ganda plus nganga na lang muna ako ulit dito sa gilid.

Friday, April 6, 2012

batangas getaway day one sneaks.



March 23rd; Mitch and Henson's last (single) dance and our arrival at Lipa, Batangas. :)

March 23rd-excited for this day, coz we’re going to Lipa, Batangas, baby! :) it’s Mitchelle’s bridal shower and her big wedding day tomorrow. Weew! I had witnessed such a beautiful and heart-melting wedding ceremony at Antipolo Cathedral a week before she announced that she’ll be married after this day/night. I thought how it could be when this would be happening with my own friend was walking at the altar, and then it will be happening, tomorrow! After all that had happened to me before this day came with the thought that I would not be able to be here at this event, yet I am here. Thanks, I AM here :)
I left the house at around 3pm, and my first stopover was the Antipolo Cathedral to say my prayers for our safe trip. At around 5pm, I arrived at Starmall to meet Brodz and Jai. Moments after I arrived, Ana and Cy came, and yeah, we’re off to Lipa,
After one and a half of long travel, toll moments, and never ending stories, we finally arrived at Lipa. Just a 30-minute tricycle drive, we arrived at Mitch’s sweet home. Ate dinner, and then joined their party for their last dance. Then, gave me a big nervous breakdown for that slideshow-movie we presented to the couple as a gift. Whew, thank God it was quite successful around a hundred people who’d watched it. After that event, which is around 1am, I guess, we decided to sleep then in her room with her.


Monday, January 30, 2012

this day made me happy :)

okaaaay, i got 15 mins. for this:

and finally! the super long wait is finally over! HORIZON 2011 IS NOW RELEASED. spending a year to complete it, all those hardships (including the singilan thing-y, bilangan ng kung ilan talaga ang kukuha, editing, picture gathering, etc), all those STRESS it gave me, and (still) all those loooooong trips and bonding with the ed.board, was a memorable one.

super thanks to God almighty (You know how i prayed hard almost everyday for this. i even bargain something for this to come), to my Unciano Family, especially the Editorial board whose always there to lend a hand for me (and who always na "wag akong masyadong ma-stress at ok lang daw yun. haha), for all those EFFORTS and support, at para sa tiwalang binigay nyo sa kin. and for those who patiently waied (kahit inaaway na ko ng iba dyan) THANK YOU!

at dahil na-release na sya, STRESS-FREE nanaman ako! haha,



#happy