Sunday, December 26, 2010

si CHANGE.

Sa dinami-dami ng nangyari sa buong taon na ito, tumatak sa akin ang salitang ‘change’. Hindi ko maintindihan kung ano bang meron ang salitang ito para masabi ko sa sarili ko na may kakaiba sa buhay ko at hindi ko nagugustuhan ang mga ito pero kailangan kong maintindihan kasi ganun talaga yun.

Hindi ko din alam kung sadya talagang dumadating ang problema dahil magkamag-anak sila ni ‘change’. At ang hirap pala talagang pakisamahan nitong salitang ito. Ang hirap niyang tanggapin. Pero isa lang ang pinatunayan niya sa akin, na bandang huli, magiging masaya ka din sa piling ko. (naks! Parang ‘di totoo)

Mga kaibigan. Yan po ang unang biniktima niya sa buhay ko. Kung bakit ba naman na sa hindi inaasahang pagkakatampuhan, eh bigla pala siyang eeksena. Hindi ko din pala namalayan na kahit papa’no, napasaya ako ng pagbabago at mga bagong taong naging kaibigan ko. May mga nawala, pero may mga taong dumating, and despite of those absences, somehow they’ve made me smile. Parang sinabi niya sa ‘kin na” wala ka na talagang magagawa” in a sugar-coated way.

Hanggang sa dumating yung point na sobrang nai-stress na ‘ko sa mga pangyayaring hindi ko na matanggap. Pero mapilit talaga ang tadhana. Tila ayaw na niya ibalik ang dati. Hmmp! Luging-lugi na nga ako sa laban, humahanap pa siya ng kakampi.

Eto na ko at nagmumukmok sa isang tabi. Pero ‘di pa talaga siya nakuntento mangonsensya.

“kahit madami ng nagbago sa pagkakaibigan ng grupo, hindi naman nawala ang pagmamahal e… kelangan lang siguro talagang tanggapin ang mga pagbabagong nangyayari ng maluwag sa loob para wala ng gulo…=) kahit ano pa ang mga pagbabagong ito basta walang makakalimot. Yun lang naman e. makakatulong sa pagiging mature ang lahat ng mga prob na sumusubok sa pagkakaibigan ng grupo natin ngayon :P kaya life goes on. Smile lang tayo lagi…” –ana

Talaga naman. Lahat na ng pwede niyang kakampi, kumampi na sa kanya. Pero isa lang naman ang ikinatuwa ko sa kanya, at yun ay binigyan niya ko ng isang malaking leksyon sa buhay na “change is the only permanent in da world”, “past is past” at “there is an art in letting go” (O.O)


Minsan din akong nakinig sa sermon ng isang pari. Sabi nya, kung magbabalik loob ang isang tao sa Diyos, kinakailangan din niya ang pagbabago mula sa mga makasalanang niyang gawain. Pagbabago at pagtanggap sa Diyos ng buong puso: HAYAAN – Hanapin ang sarili, Yakapin, at Angkinin (not in a selfish way) ng buong puso at ibahagi sa iba at sa sangkatauhan.

Kung anu mang kababalaghan ang ginawa sa ‘kin ngayon, sabihin na lang nating nag-enjoy din naman ako. May mga bagay (tao o hayop) lang talaga ang hindi mo mapipilit na mag-stay sa panahon mo. Nasa sa kanya na kung sino ang pipiliin niyang makasama sa araw-araw, nakakasawa man o mabibitin ka pa. isa lang ang sinisigurado ko: kokonyatan ko talaga siya pag sinabi niyang regret niya nag for once in his/her life nakilala niya ito; at babalik at babalik din siya kung san sya nanggaling, pero sya ang mag-a-adjust dahil iba na ang buhay ng mga taong minsan niyang nakasama. Take note: MAS masaya na! 

Nagpapasalamat ako sa mga pagbabagong ito. Atleast nalaman ko kung sino ba talaga ang mga totoong tao sa buhay mo. Kung sino yung nandyan lang kahit hindi mo naman hinihingan ng kahit ano. Yung kusang lalapit kahit hindi mo kinakalabit. At higit sa lahat, kung sino yung magpapangiti sa gitna ng poot at galit. 

Ako man, hindi ko alam kung nagbago nga ako. Malamang oo, at malamang iniisip ng iba n hindi ito kagandahan.

Pero isa lang ang masasabi ko: ang pagbabago mismo ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Tanaw ko ang pagkamasukal nito, ngunit sinabi nitong may kahahantungan din itong maganda, kahit hindi mo inaasahan.

At dahil dito, kulang na lang ata ay ang kumanta ako ng “changes in my life” :D



(haha! hindi bagay!:D)

Thursday, November 11, 2010

hello 105!!!

my last semester of being a student nurse. hayy, napaka-overwhelming pakinggan. pero, wala yata yung sense of excitement sa sarili ko. something's wrong and missing and i can't define it. but life goes on, and you just let it live on how it goes.

start na ng lecture yesterday. kahit late, pasok pa din. and surprisingly, si dean pa ang lecturer namin. ah, ngayon alam ko na ang dapat kong suungin ant paghandaan. aral much. lbus-lubusin na since ito na din ang last sem kaya dpat pagbutihin.

start na din ng duty ko bukas. buena manong or/dr ulet. sana naman, sa pamamagitan nito, kumpleto na ang cases ko. and sana, ma-utilize ko ng maayos lahat ng mga natutunan ko to my future profession.

naks! nagpapakapositive despite of all those problems in life. be reality oriented!! kahit ganyan, wala tayong magagawa kundi gumawa ng paraan. last sem, so must be treasuring it. those no-school-days i've been waiting are finally in the next corner. konting tiis at tyaga na lang, andyan na ang pangarap. awiii..echos!!

Tuesday, October 19, 2010

laughter is the best medicine

sobrang saya ng movie date namin ng friends ko kahapon..we watched Petrang Kabayo (Vice Ganda)..sa sobrang idol ko talaga sya, kahit ga'no ka-demonyita ng role nya, super bawing-bawi talaga ang pagka-komedyante nya..

at ang pinaka-di malilimutang linya na hindi sya ang nagbitaw, pero umiiyak ako sa kakatawa:

"kahit hindi ako kumain, maganda ako. kahit san mo ko patulugin, maganda ako...po!!"

wahaha..love it..wanna watch it a hundred times!!!

Saturday, July 3, 2010

my summer duties

Before I start my 104 duties, I just wan to reminisce my duties during my summer 103:
Well, at first, ayoko (nanaman) sa mga kagrupo ko, since (1)hindi ko sila kilala and (2)kilalako man yung iba pero feeling ko wala akong aasahan sa kanila. Lagi na lang eto ang trouble ko pagdating ng every start of sem. Napakapihikan ko na ba? O sobrang sanay lang talaga akong may kagrupong kabarkada ko? But, it thought me one thing: first impressions don’t last. Kaya naman at the end of the sem, I felt so lucky na sila yung mga nagging kagrupo ko, since we also expected na kami0kami pa din til 105. And before I forgot, we called ourselves “ang cute cast ng Agua Bendita”. The D4.
But since hiwalay kami sa special areas (of some sort), mas nakakasama ko ng madalas yung mga kagrupo kong D4-b. mas madami kaming naexperience together and everything. Yung iba, halos maloka ako.
CLINIC OF THE HOLY SPIRIT (CHS) – April 19-23, 2010
Ah, yung ‘therapeutic house’ ko kuno. Tsk! Sabi ko sa sarili ko, ayoko na dumuty ulit dito, not because I’m scared with the patients, but because (1)mahal! (2)natoxic lang naman ako sa individual case naming halos ‘di ko naappreciate kausapin yung patient ko (at akala ko ganun na ka-espesyal itong si wally). Buti na lang, nandyan si Bro para bigyan ako ng enough time para asikasuhin ang nakakabaliw na case at psychoetiology-whatever. Pati socialization day namin, nilangaw. Kaya kulang na lang, maglulupasay na ko sa gitna ng Edsa at magwagayway ng puting panyo para sabihing “enough!”
BINANGONAN MUNICIPAL HOSPITAL (BMH) complex – April 26-30, 2010
Dito ko nakuha yung first ever case ko. Sobrang baba ng kaligayahan ko ‘no? haha! although ganun pa din yung routine pero hindi ko maramdaman yung pressure and toxicity, kaya naman nasiyahan kami. Ang kaso, 2 days lang kami rumotate dito, and hectic kasi ng sched ni mam. Ok na din, at least naka-two-down, twenty three to go. Yung iba nga, hindi lag basta minor ang nakuha. Nakapag-paanak kasi sila – sa ER.
WELL FAMILY CLINIC, Tanay Rizal – May 3-5, 2010
Wala, naglecture lang naman ng sandamakmak na MCN, saka quiz. Ang Masaya dito, nakipagtilian kami sa isang palaka habang nagqu-quiz. Bongga. Ayan, nagsismula na kaming maburo sa sunud-sunod na MCN.
PAG-ASA HOSPITAL ward – May 6-7, 2010
Eto ang on the spot sulat kamay na assessment, ncp at nurses notes na hindi mo na kelangang gumastos para lang magpaprint. Individually. Napaka-mitikulosa pala ni mam bandang huli. Me pagkakatanga-tanga kame sa engles. Hehe.
ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL OB Ward – May 10-14, 2010
Kahit two days kami dito, super naapreciate naman namin na papanindigan mo talaga ang pagiging toxic mo. Pahabaan ng charting, super health teachings, pagpapaligo ng baby. Bawal ang tongerks kundi patay ka kay mam na ‘di mo akalaing toxic pala sa hospital, pero pag sa CHS sya, basta masaya lang kayo. At dahil may instructions na, wag kang magsariling sikap. Bawal sa kanya ang may dementia, gagawi niya daw yung kay Dom na pang habang buhay. (thankful ako dahil ‘di ako nag-admission, although prepared naman ako sa ganun, sayang). Sinong nalalaspag ang MCN kababasa ng pwedeng I-health teach?
LEYBLE HOSPITAL Ward – May 17-21, 2010
Ang walang kamatayang kwentuhan lang habang naka-duty, na wala kang ibang iisipin kundi saan kakain mamaya. Natuto din kami maging religious, since nasa harapan lang namin ang simbahan ng antipolo. Ang hirap talaga sa private hospital at ward ka lang, mastery ka nanaman ng vital signs.
ANGONO DISTRICT HOSPITAL ER – May 24-28, 2010
The graveyard duty. Eto talaga walang petiks. Nasa bingit na ako ng pagsuko sa kursong nursing ng dahil sa naranasan ko dito. Iparanas ba sa ‘kin lahat? Mula sa ER, sa pagbabantay ng mga buntis na in-labor sa IE Room, at magkaroon ng pitong pasyente sa Hydration ALONE. Hayz! Pinanindigan ko talaga na walang tulugan sa graveyard shift. Antok kung antok pagdating ng umaga. Natuto din ako ng magandang cottonology.
Pero marami rin akong napatunayan. Napatunayan na hindi maganda about here. Walang nagaganap na maala-tug-of-war with kamatayan dun. Patay kung patay. Parang yung DOA lang na dumating on our first night (nang dahil sa bangungot kuno). At mamamatay kung mahina ka. Feeling ko tuloy may malpractice akong nagawa. Or what would be the right term for kapabayaan? Tulad na lang nung dalawang buntis na binantayan ko, gusto nang manganak, kelangan muna ma-IE. We had a break, and after an hour or so, pagbalik ko dun ‘di pa sila naa-IE. Tsk! Ang nakakaloka lang, imbes na emergency ang sinisigaw nila, eh ‘crowning’ ang sigaw nila that night. Tapos, may nanganganak sa stretcher. Parang race lang, paunahan manganak.
The one that gave me the most trauma, yung pasyenteng pumasok na super hindi na makahinga. Binantayan naming sya for hours sa ER, kahit halos natoxic na ko sa Hydration that night, tumulong na ko sa pagbabantay. Since kelangan nya maadmit, hinatid pa namin sya sa ward bago kami umalis. He was diagnosed with MI. walang elevation yung bed nya sa ward. Super ingat pa kami dun sa swero nyang nakakabit sa brachial artery nya. Since then, di ko na makalimutan yung itsura nya habang nag-gagasping sya. Mas gugustuhin ko na lang na nag-stay sya sa ER na feeling ko, stable sya, kesa nakita ko kung paano halos vakyumin ni kamatayan yung paghinga niya. Di ko na alam kung anong nangyari sa kanya. But I think he didn’t survive it. Parang ayokong maniwalang irreversible ang MI in his case. Until now, every time that scene enters my head, it haunts me a lot. I don’t know if that would be his fate, or that moment made him ended to him everything. I also don’t know if it belongs to my practice, to be emotionally, mentally ready to the situation, or it should be the lesson to do the RIGHT thing when my calling comes.
Tumatak na din sa isip ko na ayoko nang maulit pa dun sa area na yun. Dahil hindi ko matanggap yung phrase na “ganun talaga”

Although masaklap yung mga duty naming ito, masaklap in a sense na walang nangyayari, or in a sense of grabe yung mga nangyayari, I love the company of my groupmates. Sa mga hirap na nireklamo, hanggang sa pakikinig ng jejemon. I miss them

Tuesday, March 23, 2010

These people…

Since almost 1 month nanaman akong ‘di nkapag-blog, super daming nangyaring unexpected, funny, scary, name it! Pambawi ba ‘to? hahaha. Super busy kase ng buhay ko tht I never had the chance to update my blog. besides, there’s nothing to tell, except for those times na paunti-unti ko nang hindi ma-compress ang time ko dahil sa sobrang daming gawin, sa sobrang daming aralin. At infairness, nakaka-huggard. Pero okay lang, keri naman. Natututo naman ng sobrang dami. Dumadating lang yung time na ‘end of thinking capacity’ na talaga.

These people… sila yung mga kasa-kasama ko sa bawat araw ko ngayon (besides my family). Naloloka akong malaman na ganito pala yung mga nangyayari sa bawat araw na makakasama ko sila.









C1
Kasama ko sa bawat case na ginagawa at pineprepare for the presentation. Pero ang pinaka-malupit kong bonding with them ay yung nag-overnight kami para lang ayusin ang pang grand case pre namin. but it all turned out na nabangas kami sa sobrang puyat at sa sobrang hilo. Hanggang sa tumatawa na kami kinaumagahan habang nirereminisce yung mga nangyari kinagabihan. To sum it up, I never expect na magiging masaya rin pala ako sa piling ng mga ito.





A2



'di ko man araw-araw nakikita 'tong mga ito, super happy naman akong makita sila. i really missed them. kaya naman super hinayang ko nang 'di nanaman ako naka nyoyning sa swim nila..kelan kya ko babawi sa mga toh?? hayy. miss ko na yung mga times na gumagawa kami ng case..sana 'di nagtatampo 'tong mga 'toh pag nagkakataong wala ako sa mga lakad nila..






CY
Eto??? Etong babaeng ‘to ang tumakot sa ‘kin kelan lang. katigasan kasi ng ulo na ayaw makinig sa ‘min dati pa, ayun. Kawawa’t dumanas ng hirap ang maganda niyang tyan. Wala naman akong magawa. Wala na kong magawa kundi matakot. Pangalawang taong umakot sa ‘kin ng dahil sa may sakit. Kaya, ayun, ‘di ko na kayang makitang nagkakagano’n siya sa ilalim ng bubong ng baler ko. hahaha. Atleast ngayon ok na. wag niya lang akong tatakutin ulit next time, baka ‘di ko na rin kayaning makita yan kahit hindi tyan ang problema nyan.
*kawawa nga rin ‘to walang makaing masarap. Ganun talaga, strikto yung nutritionist eh. *ehem!*


CLICKFRIENDZ
Naku, lagi ko namang kasama itong mga ito. Pero nakakatuwa lang walang na-repeat ni isa sa ‘minJ pero nakakatuwa lang dahil yung isa sa ma yan, na-accomplish ko nang mai-open up yung saloobin niya. At nakakapagtampo rin naman yung isa dahil ‘di niya ko binigyan ng pagkakataong bumawi sa pagkukulang ko sa kanila. Pero keri na yun. Hek. At ang nakakaloka lang talaga ay yung masaksihan yung bawat away ng mga magjojowang ito. Lalo na yung nag-panic kami para lang mabuksan yung pinto. Keme-kemeng magkasugat-sugat at magkasira-sira ang kung anek-anek. Kahit naman anong away man ang daanan ng sinuman sa kanila, malaki yung tiwala ko na lagi nilang maauz ang lahat sooner or later.


Normal man yung araw-araw na kasama ko ang mga ito, nakakainis man o nakakatuwa, sobrang spexal naman ang mga pangyayari with them.

aun sila.



Sunday, February 7, 2010

balik.

a month after a new year has begun, new happenings and new challenges had just happened to me, again. tama nga na dahil bagong taon, eh maraming bago. pero hindi naman nalayo sa pagiging iba ang araw-araw. the same people you are with almost everyday, the same places where you are, the same routines. masaya pa rin, may mga araw na namomroblema nanaman sa case, o kung saan-saan, may mga times din na ‘di mo pa rin maiwasan na may makaalitan ka. hanggang sa masasabi mo na lang, “haaaay naku, buhay nga naman (parang life!)”

the comeback

magmula ng bumalik na ulit yung pasukan, akala ko, kakagisnan ko pa rin yung buhay na kinagisnan ko bago mag Christmas break. yung tipong itutuloy lang yung mga naiwang topics, as usual, normal lecture lang. minsan man akong naghangad na maging satisfied ako sa studies ko ngayon, dahil aminado ako na meron talaga akong ‘dissatisfaction’ na naramdaman since pumasok yung third year college life ko. (sabi ko na nga ba, malas talaga ako ‘pag third year, parang nung third year high school lang..haha). but you know what? hindi rin naman ako binigo ni bro kahit papa’no.

21 January 2010: birthday ni kevin, at the same time, ipinatawag kami ng school for general assembly. not knowing at first kung anong mangyayari, pero matagal nang haka-haka at pino-post ng ilan sa facebook ang pagbabalik ng isang taong minsan nawala sa school: si dean. maraming speculations ang umikot last year sa school, kaya ayun, bigla siyang naglaho at isang memo posted on bulletin board na lang ang iniwan niyang bakas. sadly, kasabay nun, pati yung health care team, na nagturo sa ‘min for a year, nawala na din. malungkot syempre, simula nun kulang na kulang na kami. marami kaming natututunan, pero not enough to be able for memorization, hindi katulad nung health care na kulang na lang kabisado mo na lahat ng hand-outs mo dahil sa recitations. Hindi na namin lubos akalaing babalik pa sila. well, anyway, back to the assembly, nagulat na lang ako that for one moment, unti-unti silang naglalabasan sa likod namin. i mean “they’re back! they were totally back!” akala mo para silang artistang tinitilian at pinapalakpakan that time as they were entering the gym. wala na lang akong nagawa kundi yakapin si mitch sa sobrang galak. naalala ko yung status message ko sa facebook the night before: “sana lahat ng magbabalik, at babalik pa (daw) will be for good. nytz!!” maraming masaya, parang nabuhayan ang karamihan. nawalan pa ng duty ng dahil lang dun. ramdam na ng karamihan ang swerte. pero sa lahat ng nagbalik, hindi na naming sana siya nais na bumalik pero wala naming magagawa dahil sa lakas ng kapit: walang iba kundi ang kaisa-isang 3.0 ng TOR ko.

ganun pa rin naman ang mga sumunod na araw. ‘di pa namin ramdam yung epekto ng pagbabalik nila. ‘di pa naman kasi namin iniisip yun dahil ‘di naming expect na maaapektuhan agad yung batch namin. we expect its effectively pag 4th year na kami. pero ‘di namin expected na pati kami, mapapalitan na ng lecturer.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa ‘min yung mga katsismisang bumabalot sa school. pero most of the time, ‘di na rin naming pinaniniwalaan. This time, I would not expect that all that issues are proven true.at ng dahil dun, sudden changes are happening. Maganda nga yung idudlot ng pagbabalik at pagpapalit ng lecturer naming, pero ‘di namin maiwasang magulat na lang. culture shock, ika nga. Ok sana kung pinatapos muna yung semester bago nagkaroon ng changes. As a student, marami na rin ang nacoconfuse. Hindi na peaceful ang school. daig pa nila mga bata kung mag-away away. Although things are well explained to us, still, most of us called it “unfair”.

Ang sad ‘di ba? Sad din para sa ‘kin yun kahit walang dapat ika-sad. Si sir del din yung mismong nagtatak sa isip ko ng mga katagang ito nung siya yung aalis: “kahit sino mang c.i or lecturer yung nasa harap mo, you have to treasure what you are learning”. As I said, hindi nga kamemo-memoryado lahat ng natutunan ko for the past one and a half semester, still I tried to learn and I deserved a good grade. Sa sobrang generous niya, ‘di niya kami pinabayaang bumagsak. He knows what we want and what we’ve expect from him, and he gave it. Kaya, mamimiss ko din siya as a lecturer kahit ganun siya. Kahit nainis ako ng bongga nung bday ni van na pinatagal yung lecture namin. kahit minsan siyang late. At kahit inaasar niya ko ng madalas.

Life has never been fair to us talaga. Everything that is back was believed to be always for good. but everything that is good will be taken back or away to you. may mga ilan na hindi mo alam kung minsan mo bang naging pag-aari dahil ang sabi ay babalik sa ‘yo. Pero may mga ilan na kailanman hindi mo naman naging pag-aari pero bumabalik sa iyo. Hanggang sa isang araw, hindi mo na silang kayang tanggapin o palisanin ng buhay mo.

Prognosis: prepare to study to your hardest level next week.

Date written: January 31, 2010